Musta na ba ang blogging world? Anu na ba ang kaguluhan dito sa blogsphere? Sa akin heto. At last NAka uwi na rin ako sa bahay after 1 and a half year. Pagdating ko, Maraming pagbabago. Nag mga batang kapitbahay, nagsipaglakihan na, yung iba bagong panganak at ang mga kabababata ko, nagsibuntisan na. ganoon na ba kabata ngayon para maging isang magulang. Hinanap ko ang puno nga Talisay sa labasan, pero wala na ito, Pinutol daw para maging maaliwalas ang daan. Nakalkihan ko na ang punong yun. minsan napaukit ako doon ng mga bagay bagay at kaganapan sa buhay ko. pero wala na ito pinutol na, marahil dala na rin sa pagputol ang kabataan ko pero hindi ang ala-ala ng buhay ko.
Ang mga kaibigan ko, Noong umalis ako 3rd year pa lang ako noon, at ngayon, graduate na ang iba sa kanila. May Nurse na, teachers ang future manager pa. sayang nga lang at kailanman ay i na kami makukumpleto. Wala na ang isa naming kaibigan. Siguro nga ay pinauna na siys ni God sa taas para makapagpareserve ng kwarto sa aming lahat. Nakakapanghinayang lang isipin na ang mabuting tao pa ang nauuna. Nung umalis ako kumpleto ang barkada ngayon wala na ang isa.
Sa ngayon, Nasa school na naman ako, Proceedres ako. Bagong school, bagong friends, ang magic word ADJUST, kung papipiliin ako ng classmates, pipiliin ko ang high school classmates ko. masaya kasi sila, kwela at supportive. Balik bahay na din ako, balik kwarto, balik sermon at baik bantay na naman kay mama. Habang buhay na lang siguro ajo magpapabantay sa kanya, Kasi alam ko na its for my good. pero sana huwag naman sana maging kasing higpit noon. Im already 20 years old. di na ako bata. Ang buhay nga naman. Madami na ang pagbabago, sana di magbago ang mga kaibigan ko. Dahil ako hinding hindi magbabago sa mga kaibigan ko.