Wednesday, January 6, 2010

Merry Christmas Muna

Merry Christmas, Huli man daw ang mgaling, huli pa din. Sumapit na nga ang pasko at ibang okasyon , di pa rin ako makablog. Busy busyhan ako nitong nakaraang linggo. Dahil sa kabusihan na iyon, wala na akong panahon upang makabisita sa aking mahal na blog. Marami na sigurong bago sa mga kaibigan natin dito, Ill check it later.
Napadaan lang naman ako upang ibahagi ang psko ko. siyempre, di maaring di ko kayo kwentuhan.

Masaya naman kahit papaano ang unang pasko ko na wala sa bahay namin. Medyo kulang ang saya pero ok na rin. Nandiyan naman ang mga kaibigan. We are longing for are family pero nakakuha naman kami ng kasiyahan sa isat-isa, ang drama. anyway, kwentuhan tayo sa susunod. sa ngayon, heto mga pixies namin.  More kwento sa sususnod!.

Tuesday, December 1, 2009

Happy Birthday


December 1, 1989, isinilang ang isang bata sa kasagsagan ng kudeta. Ikinagulat ng mga doctor dahil sa tingin nila isa na namang bta ang sisikat. 20 years later ang batnag kudeta ay lumaki at naging ganap na binata. Naging isang magandang lalaki at lubos na hinagaan ng marami, kina-inggitan ng iba ngunit lubos na minahal ng mga tao.

Ang Batang yun walang iba kung indi si spinx.Sumapit na naman ang araw na ito. Ito ang araw na ako ay nagpapalit ng edad, Kung tutu-usin di naman nagbago ang aking hitsura, mukha pa rin akong bata, gwapo makisig at khit papa ano nakakkaikit pa rin..wahahahaha..Pasintabi sa mga kumakain.

Sa puntong ito, nais ko lamang pasalamatan ang lahat ng mga kaibigna ko na naka-alala ng birthday ko.Sobra talaga akong na tas sa inyo, Umaga pa lang puno na ng mga message niyo ang cp ko, pati Facebook at Friendster ko di rin nagpa-awat sa mga bati ninyo. Sa mga nag email na rin sa akin, Salamat sa lahat ng mga bati ninyo at lalo kong nadama na kahit papaano espesyal pa rin ako sa inyo.

Sa mg hindi nakalimot, Maraming salamat, Sa mga nakalimot, greetings is always opn kahit na late.

Ngayon at akoy 20 na, hindi na ako teen ager pero nukhang teen ager pa rin,
sa muli, Thank you!...

Sunday, November 29, 2009

Ang Pagbabalik

Medyo matagal ring namahing ang blog ko na ito. Mitong nakaraan kasi ay masyado ankong maraming nkahiligan. Isa na doon ang PBB, Wala lang, siguro masarap lang na manood ng buhay ng ibang tao, sabi nga nila nakikialam sa buhay ng mya buhay. Ngayon at akoy nagbabalik, nais ko munang batiin ang mga kaibigan ko sa kabilang sulok ng mundo, sa mga nakakbasa nito Hi, sa mga hindi, Hello na lang.

Wala pa ring nagbago sa akin, ganoon pa rin naman ako ngayon, wala pa ring ipinagbago, Paminsan minsan nagiging makulit, minsan naman nagiging snabber. lumipas na ang ilang linggo na hindi ako naka pagpost ng mga hinanakit ko. Pero wala naman talaga akong hinanakit, Masaya ako sa mga nag daang linggo ng buhay ko, Kulang na lang girlfriend at pwede na akong mamatay....Hahhaha...di nga...
siguro ngayon, Girlfriend na lang talaga ang hinihingi ko sa buhay ko para makompleto ko na ang misyon ko sa mundong ito. HAnap lang muna ng hanap, balang araw, makakakita din ako nga para sa akin, hindi ako mai-inip dahil alam ko na adarating din siya, DI ako mapapagod, dahil alam kong nasa paligid lang siya, at higi sa lahat, hindi ako magsasawa dahil pag nakiita ko na siya, di ko siya pakakawalan, Hayan senti na ako...

Sana nga at makita ko na siya, Ngayong birthday ko,sana mahanap ko na siya, yan ang tangi kong hiling!...


Sa susunod naman!

Monday, November 2, 2009

Kwentong Undas


Excited talaga ako kapag nalalapit na ang undas, una, naglalabasan na ang mga nakakatakot na mga kwento ng mga kapre, tikbalang, white at black lady, dwende, aswang, manananggal at kung anu anu pang mga lamang lupa. Uso na naman ang umpukan sa bahay, makikinig sa kwentuhang katatakutan, siyempre, masaya yun, hindi ka nga lang makakatulog ng mahimbing, o di kaya ay di ka lang makapasok sa banyo at aantayin mo na lang na mag-umaga na bago ka maligo. Uso din ang takotan sa aming magkapatid, palibhasay takot talaga ang utol ko sa mga ganyan, imaginative kasi siya. Malikot ang imagination, in short praning siya pag tinatakot ko.

Bisita sa mga namayapang kamag-anak naman ang trip namin, Magkasama kami ng mga pinsan ko sa pagdalaw sa lolo namin, doon na lang kami nagkikita nina mama at iba pang kapamilya na umaga pa lang ay nandoon na, pinaka ayaw ko kasing mabilad sa araw eh.Kaya kung hindi hapon malamang gabi na ako dadalaw, Isang pagkakataon nga nang dumalaw kami ng pinsan ko sa puntod ng lolo ko, nagmarunong siya na alam niya kung nasaan ang puntod, ang daming tao at di na magkumayaw sa sementeryo. May palatandaan daw siya. Isang puno dawng tawa-tawa. Nilibot namin ang buong sementeryo pero wala kaming nakitang puno ng tawa-tawa. Buti na lang nakita kami ng mga matatandan naming kamag-anak at sinama kami. Doon na lang naming napag-alaman na ang tinutukoy pala niyang puno ay wala na, pinutol na.

Maraming pagkain ang handa sa ganitong panahon, kadalasan malagkiot, pero bakit nga ba? anu ba ang kinalaman ng mga malalgkit na pagkain sa araw na ito? dahil ba pagmalagkit, naakit nito ang mga patay, O baka naman nag trip trip lang nag mga ninuno natin ang nanggaya sa luto ng kapitbahay, pero, masarap naman ang pagkain sa ganitong mga panahon.Pag nag trip kayo ng mga bata sa inyo, pwede rin mag bahay bahay kayo, humingi ng pagkain. Magdala lang ng bilao para tiba tiba kayo sa pagkain.

Sa kabilang banada, kung uwian na, doon naman ako magpapa-iwan sa mga barkada ko sa kabilang sementeryo, sa sementeryo ng mayayaman. Masaya kasi sa kanila, may mga pakulo kasi ang saementeryo nila, kaya tumatambay kami doon kahit di naman namin kilala ang mga patay doon, maaring patay yun nga kaibigan nga kabarkada namin, Oh di kaya ay kapitbahay, o maari ring wala, mga werely aquaintaces lang, sarap kasi tumamabay sa sementeryo pag ganitong mga panahon, talagang piyesta kung piyesta.



Sabi nga nila, ang mga mahal daw natin sa buhay ay nagiging mga tala sa langit kung silay yumao, napatunayan ko na yan, isang gabi ng Nov.1, habang kami ay nasa sementeryo upang tumambay, Sa langit kami nakatingin upang pagmasdan ang mga bituin, maraming tala ang nagsisibaba, talaga sa lagit, para bang isa-isa silang nahuhulog sa langit, Wish naman ako ng wish, kais naman baka falling star na iyo. Nagpatuloy ang gabi ang patuloy din sa pag baba ang mga tala, hanggang sa makauwi na kami ng bahay ay nadoon pa rina ng tala na nagsisibabaan. Tama nga ang sinabi nila, kung ang mga tala ang siyang mga mhal natin sa buhay, marahil bumaba sila upang dalawin tayo sa araw na iyon.

Ang lungkot isipin na ngayong taon ay hindi ko magagawa ang mga nakasanayan ko tuwing undas, malayo ako sa amin eh, wala akong kapamilyang makakasama sa pagbisita sa sementeryo, di ako makakatambay doon, walang pagkaing malagkit.Siguro, ang undas na ang isa sa pinaka masayang panahon kasunod ito nga pasko ant ng bagong taon, sarap balikan ng undas, Happy Undas nga repapipz

Sunday, October 25, 2009

Away ng elementary

After Elementary days. we been to different high schools, some went to private schools in the city at kami naman na jologs ng school mas napiling mag aral sa public school, gipit kasi sa pera at mahal sa private school.

Nasa high school na kami nang time na hindi nagkasundo ang mga classmates namin noong elementary. Insecurity ba? Hindi, oh baka naman naging mayabang lang talaga ang mga nasa private school.

Yan ang naging dahilan kung bakit hindi na nag kikiboan ang mga classmates namin. Sabi nila insecure daw kaming mga nasa public schools sa kanilang mga taga pivate school, pero hindi,Bigla na lang talagang isang araw na kahit mag kita sa daan ang mga dati kong classmates, para silang mga strangers na di kilala ang isat isa. weird noh? kung gano kasaya ang buhay namin sa elementary, nawala na lang lahat dahil sa hindi malamang dahilan.

may masasabay ka sa jeep na classmates mo, pero di kau nag uusap, hay ang gulo.

hanggang sa isang araw naliwanagan na rin ako. naging mag syota ang isang taga private school at isang taga Public, ang saya. teka, nawasak na ba ang pader na pumapagitna sa aming lahat?, wala na ba ang di pag kakasunduan?

Ayon sa taga private school, di nila alam kung bakit di namin sila kinikibo, pero maging kami din ay di alam kong bakit ang mga taga private school ay di kami kinikibo, haaaaaay..para lang pala kaming mga tanga.nag-aaway sa walang dahilan.

Siguro kung may makakasalubong akong classmate ko sa elementary, wala na siguro ang mga yun, Ilang taon na rin kasi kaming di nagkikita eh. grumaduate na kami sa high school at ang iba pa graduate na rin sa college, tama lang na mag kalimutan na. pang batang away lang naman yun.

kay sarap pa ding maging bata.Ang gulo ng away.

Gusto ko sa birthday ko


1 buwan na lang at mag bibirthday na ulit ako. Ilang araw na lang yun, mga isang buwan pa pla. Ang post kung ito ay para sa mga kaibigan kong mhala ako. Siguro nag-iisip na kayo kung anu ang gusto ko sa birthday ko. Pwes, ang guto ko sa birthday ko ay Ang libro ni bob Ong na KAPITAN SINO..

Yun lang ang hinahangad ko. Please sa mga nagmamahal sa akin, mura lang ito, 130 lang poh..

masarap basahin ito eh, makakadagdag pa ito sa koleksyon ko sa mga libro niya.ako na lang yata ang walang ganito ngayon.

Please na lnag, nag mamakaawa na ako ngayon..

Para sa birthday ko, December 1, Libro lang ni Bob Ong,

Friday, October 23, 2009

Momo and Me!


Isan linggo pa bago magtakotan pero nag advance na ako. Kumakain ang teamnamin sa isang resto at doon na ang kakwentohan ng mga katakot-takot na mga experiences.

Akalain mo ba naman na sa tatlong building ng office namin (kasama na ang dating building) ay may mga taong nakikitira pala. Mga masasabi nating hindi makita ng normal na mata.Hindi naman sila bacteria pero tanging mga tao lang na may espesyal na mata ang nakakit, sila ang mga taong may third eye.

Halimbawa na lang sa office namin ngayon, may batang naglalaro daw dito. sinasabing matagal na raw ang bata sa opisina at marami na rin ang nakakexperience sa kanya. May ilan sa kasamahan ko ang may third eye kaya nakakita sila. May mga pagkakaton daw na ang bata ay tumatayo sa likuran mo at may panahong ang bata ang nakikiupo sa iyo. Scary diba....

Sa kabilang building naman daw, isang lalakeng maputik ang nagpaparamdam. Usap-usapan noon, mga dalawang taon na ang nakakalipas, habang ginagawa ang building, isang lalake ang natabunan ng lupa at di na nabuhay pa.Marahil, siya na siguro ang nagpaparamdam ng mga ganyan ngayon.

katakot...

Kahit di mo man sila makita, mararamdaman mo pa rin sila. Depende naman daw sa emosyon ng mga multo, Sinasabing masaya ang multo kung malamig siya at alam mo na may mainit naman pag hindi, Makulay din pala sila. Katulad na lang ng mga bright colors like white, sila tung tipong multo na sa bahay lang natin o sa mga building tumitira, smantalang earth colors naman ang mga multong sa mga puno o galing sa lupa.

Sabi nila, Nagpapakita lang daw sila sa mga taong matatakotin, at kapag blanko ang isip mo. Mabuti na lang at palagi akong may ginagawa.Yun nga lang pasok pa din ako sa isang criteria, Takot kasi ako.Ewan pero mukhang praning lang yata.

Habang sinusulat ko ang entry na ito, nakakaramdam ako ng kaba, baka sa aking pagpunta sa CR, ay may makasama akong bata. huwag naman sana.