Tuesday, October 19, 2010

Masskara Gimik

Its once again time to get out in the street and praty till you drop. This is what masskara meant for me. Every year, we go out in the street, enjoy the party that the street is offering. This year is somewhat different. There is a party in lacson st. and cant imagine lots of live bands in the street. People gathered to party. I dont have plan of going there though but then the party is very inviting and you cant get yourself away from the party. What a night. I have my friend Kirby. We join nad celebrate together. We cant move in the street because people is retracting you way. But we continue walking. When i turn my back, i cannot see my friend and i saw him in my side sweating, " grabe wala ka gid gabalikid ba" he uttered, i then reply " kay kabahao bi ka likod ko" yeah right, the crowd smells really unpleasant, maybe because its too hot when you are pressed in the middle of thouand people. We then met janlu who having a shot of beer in the street. the party never stop, today is the officail day of the Charter day of  Bacolod. Too bad i was not able to party there. its ok theres a lot of next time for me though. Happy Masskara.

Thursday, October 14, 2010

For Pareng Joemar


Joemar is my friend since grades school. We are seatmates, Apelyido niya sunod sa apelyido ko. Hindi kami ganoon ka close. Noong nag high school kami classmates na naman kami. Yun nga lang ako kasi may pagkatopak ako. Sa tagal na hindi ko na maala-ala kung bakit kami nag -away na dalawa at humantong sa di pag-uusap. indi na kami naging magkaklase nung sumunod na taon. 4th year na nung naging magkaklase na naman kami. Naging seatmates na naman kami. Kasama ng iba pa nabuo ang barkada na BREAKS. doon na nagsimula ang mga kalokohang di matawaran. Ang mga pagpunta sa tindahan ni makoi para lang magpahabol sa mga bebe. Madidinig m talaga na si pareng joemar tumatawa na para bang hinahapo. Sa jokes naman, titira ng joke at siyempre lahat tatawa, sa isang sulok si pareng joemar, nag-iisip ng malalim, iniisip kung nakakatawa ba ang joke at pag narealize nya na nakakatawa pala, doon lang siya tatawa ng malakas at siya na lang mag-isa ang tumatawa. Sa aming mga lalake sa barkada, siya ang pinaka habulin. Madaming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Gwapo naman kasi. Mahilig sa music, RnB ang tira niya. Magaling sumayaw.  Masyadong strict ang parents niya. curfew niya ay 10pm. Sa gimikan, pagpatak ng alas diyes uuwi na yan. ganoon ka bait na bata ang pare naming to. Weekends, di aalis nang bahay nila pag di nakapaglinis, Kung papasok ka sa kwarto niya, aakalain mong kwarto ng babae sa sobrang ayos ng mga gamit niya. Wala ka talagang reklamo sa kanya. Naalala ko tuloy na pag may problema ka, magaling din siyang mag advise. Sa barkada namin, nakakapag usap kami ng softwares at programs pati na rin networks dahil alam niya yun. computer Science kasi siya. Kaya kung nag-uusap na kami ng mga ganyan. Wala na ang nakakintindi. Hindi kasi sila techy eh.

Pero May 17 2010, Alas 2:00 ng hapon. Ang pare namin, Nauna na sa langit. Siguro para ma ikuha kami ng reservation pag sumunod kami. Cancer ang dahilan ng pagkawala niya. Hindi namin akalain na ganoon lang kabilis ang kalagayan niya. Isang taon din ang laban niya sa kanyang sakit. masakit na panoorin ang kaibigan mo na nahihirapan at kayo ay walang magawa upang ibsan ito. Pero sa labang ito, panalo pa rin ang kaibigan namin, dahil naipakita niya na malakas siya at nakaya niyang harapin ang laban na yun. Napabilib kami ni joemar.


Sa ngayon, 5 buwan na si joemar sa lngit. pero ang ala-alang iniwan niya, patuloy na magiging buhay sa amin. Sa mga sandaling kakain kami ng mangga at hihigin nya ang patis para inumin, kapag bumili kami ng mani ang lahat ng bawang ay hihingin niya. Kapag nag-iinuman kami at ang pulutan ang magiging hapunan niya. 


Nasaan ka man ngayon pareng joemar... ingat ka dyan at sana bantayan mo kami dito... Baskog ka man japon... baskog ta....