Monday, November 2, 2009

Kwentong Undas


Excited talaga ako kapag nalalapit na ang undas, una, naglalabasan na ang mga nakakatakot na mga kwento ng mga kapre, tikbalang, white at black lady, dwende, aswang, manananggal at kung anu anu pang mga lamang lupa. Uso na naman ang umpukan sa bahay, makikinig sa kwentuhang katatakutan, siyempre, masaya yun, hindi ka nga lang makakatulog ng mahimbing, o di kaya ay di ka lang makapasok sa banyo at aantayin mo na lang na mag-umaga na bago ka maligo. Uso din ang takotan sa aming magkapatid, palibhasay takot talaga ang utol ko sa mga ganyan, imaginative kasi siya. Malikot ang imagination, in short praning siya pag tinatakot ko.

Bisita sa mga namayapang kamag-anak naman ang trip namin, Magkasama kami ng mga pinsan ko sa pagdalaw sa lolo namin, doon na lang kami nagkikita nina mama at iba pang kapamilya na umaga pa lang ay nandoon na, pinaka ayaw ko kasing mabilad sa araw eh.Kaya kung hindi hapon malamang gabi na ako dadalaw, Isang pagkakataon nga nang dumalaw kami ng pinsan ko sa puntod ng lolo ko, nagmarunong siya na alam niya kung nasaan ang puntod, ang daming tao at di na magkumayaw sa sementeryo. May palatandaan daw siya. Isang puno dawng tawa-tawa. Nilibot namin ang buong sementeryo pero wala kaming nakitang puno ng tawa-tawa. Buti na lang nakita kami ng mga matatandan naming kamag-anak at sinama kami. Doon na lang naming napag-alaman na ang tinutukoy pala niyang puno ay wala na, pinutol na.

Maraming pagkain ang handa sa ganitong panahon, kadalasan malagkiot, pero bakit nga ba? anu ba ang kinalaman ng mga malalgkit na pagkain sa araw na ito? dahil ba pagmalagkit, naakit nito ang mga patay, O baka naman nag trip trip lang nag mga ninuno natin ang nanggaya sa luto ng kapitbahay, pero, masarap naman ang pagkain sa ganitong mga panahon.Pag nag trip kayo ng mga bata sa inyo, pwede rin mag bahay bahay kayo, humingi ng pagkain. Magdala lang ng bilao para tiba tiba kayo sa pagkain.

Sa kabilang banada, kung uwian na, doon naman ako magpapa-iwan sa mga barkada ko sa kabilang sementeryo, sa sementeryo ng mayayaman. Masaya kasi sa kanila, may mga pakulo kasi ang saementeryo nila, kaya tumatambay kami doon kahit di naman namin kilala ang mga patay doon, maaring patay yun nga kaibigan nga kabarkada namin, Oh di kaya ay kapitbahay, o maari ring wala, mga werely aquaintaces lang, sarap kasi tumamabay sa sementeryo pag ganitong mga panahon, talagang piyesta kung piyesta.



Sabi nga nila, ang mga mahal daw natin sa buhay ay nagiging mga tala sa langit kung silay yumao, napatunayan ko na yan, isang gabi ng Nov.1, habang kami ay nasa sementeryo upang tumambay, Sa langit kami nakatingin upang pagmasdan ang mga bituin, maraming tala ang nagsisibaba, talaga sa lagit, para bang isa-isa silang nahuhulog sa langit, Wish naman ako ng wish, kais naman baka falling star na iyo. Nagpatuloy ang gabi ang patuloy din sa pag baba ang mga tala, hanggang sa makauwi na kami ng bahay ay nadoon pa rina ng tala na nagsisibabaan. Tama nga ang sinabi nila, kung ang mga tala ang siyang mga mhal natin sa buhay, marahil bumaba sila upang dalawin tayo sa araw na iyon.

Ang lungkot isipin na ngayong taon ay hindi ko magagawa ang mga nakasanayan ko tuwing undas, malayo ako sa amin eh, wala akong kapamilyang makakasama sa pagbisita sa sementeryo, di ako makakatambay doon, walang pagkaing malagkit.Siguro, ang undas na ang isa sa pinaka masayang panahon kasunod ito nga pasko ant ng bagong taon, sarap balikan ng undas, Happy Undas nga repapipz

4 comments:

DRAKE said...

Oo nga ganyan ganyan talaga ang nangyayari tuwing undas dagdagan mo pa na nagmumukha itong REUNION ng mga kamag-anak at mga kaklase mo noon!

Spinx, pwede mang request pwede gawan mo ako ng picture greetings por may bday!hehehhe!iemail mo dito drake_kula@yahoo.com

Ingat

spinx said...

Talagang reunion na yun ng mga classmates mo, talagang magkikita kayo,

DRAKE said...

Pre salamat sa picture greetings ha!Nagreply nga ako para personal na magpasalamat!

Ingat lagi tol!

spinx said...

wala yun, keep seyp ka rin!

Post a Comment