Tuesday, July 14, 2009

Graduation


Aminado ako na excited ako sa mga graduations ko noong nasa
prep at elementary at high school ako, pero bakit ngayon kung kailan na matatpos ang mga paghihirap ko sa school ay tinatamad naman akong dumalo sa graduation, Kung sabagay, wala naman akong uuwian dun eh, kasi naman ang mga kaibigan kung yun, di rin uuwi, siguro para maki-uso din rin ako uuwi, pero sa tuwing maaalala ko ang mga napagdaanan ko sa college naisp ko, dapat lang na bumalik ako sa graduation, pero bakit pa, nandito na rin ako sa cebu, may trabaho na, para anu pa at babalik ako doon sa school. Ngunit nang mag paalam ako sa mama ko na hindi ako uuwi, isang malakas na Uwi ang natanggap ko, naiintidihan ko si mama, eto na lang yata ang maiibiigay ko sa kanya bilang pasasalamat sa sakripisyong ginawa niya upang mapa-aral kami ng kapatid ko. Siguro nga maliit na bagay lang ito, pero para kay mama, isang malaking karangalan ang makita niya akong nag mamartsa kumukuha ng aking diploma na bunga ng kanyang paghihirap sa loob ng maraming taon, Kaya nabuo na ang aking pasya, Paghahandaan ko ang graduation ko dahil minsan lang ito mangyari, alay ko sa mama ko..

1 comments:

Norm said...

hello jhon nakita ko ang link mo sa comment box ni blue tapos sabi mo nagvote ka ng high school life sa akin kasi yon salamat ha..

Ate Norms

Post a Comment