Sunday, October 25, 2009

Away ng elementary

After Elementary days. we been to different high schools, some went to private schools in the city at kami naman na jologs ng school mas napiling mag aral sa public school, gipit kasi sa pera at mahal sa private school.

Nasa high school na kami nang time na hindi nagkasundo ang mga classmates namin noong elementary. Insecurity ba? Hindi, oh baka naman naging mayabang lang talaga ang mga nasa private school.

Yan ang naging dahilan kung bakit hindi na nag kikiboan ang mga classmates namin. Sabi nila insecure daw kaming mga nasa public schools sa kanilang mga taga pivate school, pero hindi,Bigla na lang talagang isang araw na kahit mag kita sa daan ang mga dati kong classmates, para silang mga strangers na di kilala ang isat isa. weird noh? kung gano kasaya ang buhay namin sa elementary, nawala na lang lahat dahil sa hindi malamang dahilan.

may masasabay ka sa jeep na classmates mo, pero di kau nag uusap, hay ang gulo.

hanggang sa isang araw naliwanagan na rin ako. naging mag syota ang isang taga private school at isang taga Public, ang saya. teka, nawasak na ba ang pader na pumapagitna sa aming lahat?, wala na ba ang di pag kakasunduan?

Ayon sa taga private school, di nila alam kung bakit di namin sila kinikibo, pero maging kami din ay di alam kong bakit ang mga taga private school ay di kami kinikibo, haaaaaay..para lang pala kaming mga tanga.nag-aaway sa walang dahilan.

Siguro kung may makakasalubong akong classmate ko sa elementary, wala na siguro ang mga yun, Ilang taon na rin kasi kaming di nagkikita eh. grumaduate na kami sa high school at ang iba pa graduate na rin sa college, tama lang na mag kalimutan na. pang batang away lang naman yun.

kay sarap pa ding maging bata.Ang gulo ng away.

Gusto ko sa birthday ko


1 buwan na lang at mag bibirthday na ulit ako. Ilang araw na lang yun, mga isang buwan pa pla. Ang post kung ito ay para sa mga kaibigan kong mhala ako. Siguro nag-iisip na kayo kung anu ang gusto ko sa birthday ko. Pwes, ang guto ko sa birthday ko ay Ang libro ni bob Ong na KAPITAN SINO..

Yun lang ang hinahangad ko. Please sa mga nagmamahal sa akin, mura lang ito, 130 lang poh..

masarap basahin ito eh, makakadagdag pa ito sa koleksyon ko sa mga libro niya.ako na lang yata ang walang ganito ngayon.

Please na lnag, nag mamakaawa na ako ngayon..

Para sa birthday ko, December 1, Libro lang ni Bob Ong,

Friday, October 23, 2009

Momo and Me!


Isan linggo pa bago magtakotan pero nag advance na ako. Kumakain ang teamnamin sa isang resto at doon na ang kakwentohan ng mga katakot-takot na mga experiences.

Akalain mo ba naman na sa tatlong building ng office namin (kasama na ang dating building) ay may mga taong nakikitira pala. Mga masasabi nating hindi makita ng normal na mata.Hindi naman sila bacteria pero tanging mga tao lang na may espesyal na mata ang nakakit, sila ang mga taong may third eye.

Halimbawa na lang sa office namin ngayon, may batang naglalaro daw dito. sinasabing matagal na raw ang bata sa opisina at marami na rin ang nakakexperience sa kanya. May ilan sa kasamahan ko ang may third eye kaya nakakita sila. May mga pagkakaton daw na ang bata ay tumatayo sa likuran mo at may panahong ang bata ang nakikiupo sa iyo. Scary diba....

Sa kabilang building naman daw, isang lalakeng maputik ang nagpaparamdam. Usap-usapan noon, mga dalawang taon na ang nakakalipas, habang ginagawa ang building, isang lalake ang natabunan ng lupa at di na nabuhay pa.Marahil, siya na siguro ang nagpaparamdam ng mga ganyan ngayon.

katakot...

Kahit di mo man sila makita, mararamdaman mo pa rin sila. Depende naman daw sa emosyon ng mga multo, Sinasabing masaya ang multo kung malamig siya at alam mo na may mainit naman pag hindi, Makulay din pala sila. Katulad na lang ng mga bright colors like white, sila tung tipong multo na sa bahay lang natin o sa mga building tumitira, smantalang earth colors naman ang mga multong sa mga puno o galing sa lupa.

Sabi nila, Nagpapakita lang daw sila sa mga taong matatakotin, at kapag blanko ang isip mo. Mabuti na lang at palagi akong may ginagawa.Yun nga lang pasok pa din ako sa isang criteria, Takot kasi ako.Ewan pero mukhang praning lang yata.

Habang sinusulat ko ang entry na ito, nakakaramdam ako ng kaba, baka sa aking pagpunta sa CR, ay may makasama akong bata. huwag naman sana.

Friday, October 16, 2009

Last Song Syndrome

I was listening to this song over the radio. Until This time, I cant let this song out of my head, I mean I'm tring to sing the song over and over again. I Look like crazy singing this funny tgalaog song of YM..
heres the lyrics..


Mas mahal na kita ngayon, higit pa kesa noon
Mas mahal nakita ngayon, at sa habang panahon
Wala akong pakialam sa'king nakaraan
Kahit na ako'y pinagtatawanan
Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon
Dahil...
Di mo na'ko tinutulak sa'ting hagdanan
Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam
At sa gabi pag ako'y tulog nang mahimbing
Di mo na ako tinatakpan ng unan
Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan
Di mo na'ko sinisipa sa'king harapan
At mas makinis na rin ang balat sa dibdib
Dahil hinding hindi mo na'ko pinakukulam
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon
Mas mahal na kita ngayon
Wag ka nang magtatanong
Basta't mahal na kita ngayon
Yan ang lagi kong tugon
Kahit di mo nakikita o nararamdaman
Ang aking tuwa ay walang paglagyan
Ang alam ko lang mas mahal na kita ngayon
Dahil...
Di mo na pinapakain ng para sa pusa
Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa
At pag sinabi o sa'king gupit ko'y maganda
Di na masyadong malakas ang iyong tawa
Di mo na'ko pinasisinghot ng paminta
Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga
Hindi na kulay dugo ang aking paningin
Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon
Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon
Dahil...
Di mo na kinukwentong satanista ako
At ang nanay ko'y nireyp ng isang maligno
Nabawasan na rin ang bukol sa ulo
dahil hindi mo na'ko pinapalo ng tubo
di mo na pinapalayas ng nakahubo
di mo na pinapalayas ng nakahubo
Di mo na pinapaligo ng bagong kulo
Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo
Dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon... howohuwohuwo
(di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon)
Kahit nasan ka man mas mahal na kita ngayon
Ang cute mo naman bagay ka sa iyong... ATAUL...
Hay salamat!

I cant get it over..
mwahahahah...

its so funny, ...

Hayskul!

i got this quiz from friendster. I answered this quiz, I enjoyed answering this because it makes me remember my high school life!

HS life
1. Inaaway mo ba yung guard sa gate niyo pag di
ka pinapapasok?

> Oo


2. Lagi ka bang nalelate?
>minsan pag puyat!

3. Complete uniform ka ba lagi?
> Oo naman!, ako pa

4. Sumusunod ka ba lagi sa mga school rules?
>Oo naman, mabait na bata eh!

5. Kumakanta ka ba ng Pambansang Awit at
School Hymn?

> Of course....

6. Active ka ba sa klase?
> yes, kailangan eh!

7. Mababa ba ang IQ mo o mataas?
>mataas, matalino daw ako!...sabi nila!

8. Nakikipagdaldalan ka ba habang
naglelesson ang teacher?

>madalas!

9. Hinaharass mo ba ang mga teacher niyo?
>hindi, hindi hindi, hindi ko kaya...

10. Napapunta ka na ba sa prefect of
discipline’s office dahil sa kabalbalan?

>hindi pa!..gusto ko sanan pero hindi nagkaroon ng chance na mapunta dun

11. Napahiya ka na ba sa klase?
>hmmmmp? Oo, nakakinis, parang gusto mong matunaw!

12. Napahiya ka na ba ng teacher sa klase?
>Hindi pa!...

13. Gumagawa ka ba ng assignments o copya
> minsan ako, minsan sila, hahhaah...tulungan kasi yan....

14. Kumakain ka ba tuwing break?
>Oo,
15. Ano ang first line ng School Hymn ninyo?
::: Oh hail to thee our alma mater hail talisay High

16. Naging medalist ka na ba?
>Oo

17. Nangotong ka na ba sa kaklase m?
>minsan kapag napagtitripan ko sila, tig pipiso yun, minsan sa ibang section, minsan sa mga kakilala


18. Natutulog ka ba sa klase?
>hindi, mahirap na baka may ma miss kang happenings

19. Pumapasok ka ba sa ibang room kahit na may
klase sila?

>Oo sa room ng kaibigan ko, nag seat in ako..walang magawa eh

20. Gusto mo ba ang mga patakaran ninyo
sanyong eskwelahan?

>Ok lang...

21. Nagtetext ka ba habang nagkaklase kayo?
>Oo naman...adik ako sa text noon..

22. Nagdadala ka ba ng mga pagkain sa room
niyo?

>Hindi, may disiplina ako, pero humihingi ako sa mga classmates ko na nagdadala...

23. Ano ang pinakamahirap na subject para sa
iyo?

>Physics...Grrrrrr.....
24. Natawag mo na bang “sir” ang ma’am nyo, at
“ma’am” ang sir niyo?

>NO,

25. Ano ang pangalan ng eskuwelahan mo?
>Rafael B. Lacson MEmorial High School

26. Naaksidente ka na ba sa school? anong
klaseng aksidente?

>Hindi pa....

27. Ano ang laging kinakain mong pagkain sa
canteen?

>masaya na ako noon sa mga chips and curls, pero may masarap  din na sopas pero all time fav ko ang hotdog in stick!... yummmy!....

28. in general, love mo highschool?
>Oo naman, siyempre, talaga...sarap balikan,

____________________________________________________________________

Try nyo rin ang quiz na to!..masaya To!....

Sunday, October 11, 2009

Torpe 911




When i step in your world
I never heard a single word
You just gave me a smile
When i greeted you and say hi


Your Smile gave me happiness
And even gave a lot of peace and restlessness
You showed me the way
Now I don't know what to say




I understand what you feel
You understand what i feel
I promise you what i have
But you let it just like that


I tried to get your love
Because i am deeply in love
I tried to be your man
But its hard to have a woman like you


I'm always there to cheer you up
Give a hand  and made you laugh
Give my shoulders for you to cry on
My hand was there to carry you on


But all of that means nothing to you
All of that was useless for you
You choose to hurt me
You choose to reject me


Now as i remember those hings
I can picture you're face that smiling
Why is it hard to forget
a woman that i cant get


You have you're own life now
I have mine too
Though you hurt me that much
I will still love you so much






Saturday, October 10, 2009

Cosplay

December 16 2009, its gonna be a big day in our company. Its gonna be a big night for us. Its thevdate of our year end celebration.To top the date, our company finally decide the theme that we our going to have,and its gonna be a COSPLAY.


I'm a bit excited for this. Imagine everybody is up for their costume.The party should be a combination of western and Asian character.So imagine your favorite character come in 1 in the night of celebration of the company.


As of now i'm thinking of what character should i play,


can i be a wizard like harry?









How about L?





Or to be a ninja like naruto?

What are you up to?

Its nice so see that once in a while you are relaxing. Sitting down in the comfort of your room reading books and totally thinking of nothing.


That is actually what im up to at this moment. Im just siting in the room, having a book in my hand and reading. Its fantastic. Especially when its a Bob Ong book. Its just that i dont want to go out nowadyas and expose my self under the heavy heat of the sun. Though it is supposed to be cool season the other way around happened to us.


After reading books i'm just letting my self to be busy by writing some stuff. Really!, Im into writing, Im going to post some of my writings soon.


For now i'm also enjoying reading books,


Question:
What are you upto right now.?

Friday, October 9, 2009

Bob Ong


Im still getting the Bob ong fever, Perhaps, masyado lang akong nadadala sa mag libro ni Bob Ong. Siguro masasabi ko na fan talaga ako ng taong ito. kaya nararapat lang na bigayan ko rin siyan ng space sa aking munting blog. masaya kasing basahin ang libro ni Bon Ong, yung tipong napapatawa ka sa mga seryosong isyu na kanyang tianatalakay. Magalaing ang istilo ng kanyang pagkakasulat. 


siya ang may akda nga mga aklat na, ABNKKBSNPLAko, Bakit baliktad magbasa ang mga pilipino, Paboritong lbro ni hudas, alamat ng gubat, stainless longanisa, mac Arthur at ang pinaka bagong libro na Kapitan Sino. 


Narito naman ang mag kowts ni Bob Ong kuha sa kanyang mga Libro:



Tungkol sa Love

>"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."


>"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal.. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."


>"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."


>"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag Mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"




Tungkol sa buhay estudyante

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka.

“Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."




Tungkol sa Buhay-buhay
 
"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga Isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa Jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

















Halo-halo, samot-saring kowts ni Bob

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

"iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"iba ang informal gramar sa mali!!!"

"Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

Thursday, October 8, 2009

May Bob Ong na rin Ako





Matagal ko ring hinanap ang librong ito. Sa wakas ay mayroon na rin ako.


Ito ay ang mga books ni Bob Ong, ilang bookstore din ang napuntahan ko bago ako makahanap, ilang branch ng National at book sale pero nasa fully book lang pala makikita.


Una akong nag ka interest sa mga libro ni Bob ong nang minsan mapag usapan siya ng mga bloggero, palagi kasing bukambibig nila na magaling si Bob Ong. Napagtanong ko din si Bob Ong sa mga kaibigan ko at laking gulat ko, Ohhh Shit!, bakit hindi ko siya kilala.


Sa tulong ni Mr. Google, nakabasa ako ng mga sulat ni Bob Ong, mga kowts at mga kung anu anu pa na gawa ni Bob Ong.


Kung tititngnan ang mga akda ni pareng bob, s unang tingin ay mukha lang itong biro, pero sa kabilang daku nito ay nandoon ang mga malalim na kahulugan ng mga sulatin niya.


Kaya ko nga hinanap talaga ang kanyang mga libro. mas naging fan ako ni Bob Ong matapos kong mabasa ang ilan sa mga aklat niya. Kaya plano ko ngayon na ma completo ang 7 aklat niya. Siguro by the end of this year completo na siya. mwahahahahah...


mayroon pa lang akong ABNKKBSNPLAko at ang paboritong libro ni hudas,




sarap basahin at talagang gugulong ka sa tawa..


mabuhay ka Bob Ong...


P.S.
Sa mga kaibigan ko diyan na balak akong bigyan ng regalo, di na kau mapapagastos, heto lang solve na ako!. bigyan niyo naman ako ng libro!....

Monday, October 5, 2009

Blogging

Heto na naman ako sa pang apat na entry ko ngayong gabi. Sa ika apat na entry na ito, hindi ko pa rin lubos maisip kung anu ba talaga ang nais kong isulat. Bakit ba ako nagsususlat sa blogsperong ito. Bakit palagi na lang akong problemado sa tuwing di ko alam ang mga isususlat ko sa blog ko.


Sa isang post ng kapatid natin dito sa blogsphere. ISang kataga ang labis na pumukaw sa damdamin ko bilang blogero, "Magsulat ka. Hindi dahil gusto mo kundi nabubuhay ka. Huwag mong intindihin kung sino o kung may magbabasa. Ilabas mo ang opinyon mo sa mundo. Maki-alam ka. Huwag mong iisipin na hindi ka biniyayaan ng talento sa pagsusulat"


Tama siya, dapat bawat sa atin ay magsulat dahil lahat tayo ay binigyan ng talento na magsulat. Huwag ikahiya ang mga entry natin, bawat entry ay mahalaga sa bawat isa sa atin. Huwag isispin ang mga reaksyon ng mga tao, Ang importante ay naipalabas mo ang damdamin mo. Huwag matakt magsulat. Lahat tayo ay nabigyan ng talento sa pagsususlat, may kani-kaniyang stayl tayong ginagamit. Kahit na none sense itong post na ito, ok lang nakadagdag naman ito sa blog ko.

Sunday, October 4, 2009

Parang Ako

share ko lang sa inyo itong text message na natanggap ko, ang say!. parang akong ako talaga ang jke na to!...




Minsan, pinaupo ako sa gitna ng kuwartong puno ng tao… ayun! Nauso ang CENTER OF ATTRACTION.
Eh sa sobrang kaba, hinimatay ako… Du’n naimbento ang term na DROP DEAD GORGEOUS.
Tapos, hinuli ako ng pulis. Ano’ng kaso? POSSESSION OF A KILLER SMILE daw.
Sa sobrang inis, tinakpan ko na lang ng panyo ang mukha ko. Du’n nagsimula ang WHOLESOME IMAGE.
Pero may sumaksak sa akin bigla. Du’n nauso ang SAKSAKAN NG GWAPO
Walang kahangin-hangin.

Emo emohan!

Di naman ako emo, pero bakit ako gumaganito ngayon. Bakit ba kahit ilang ulit niya na akong itaboy, Itakwil, awayin at bastedin. Heto pa rin ako at pilit na ginigiit ang sarili ko, including ang pinaka mahal kong puso para sa kanya. Siguro umaasa pa rin ako, na sana, isang araw, ma touch ang puso niya at mahalin niya rin ako.Pero heto, sa ika Nth na pagkakataon. Muli na naman akong sinaktan ng babaeng yun.

Niligawan ko siya ulit. Seryoso na seryoso ako. Parang kinarir na talaga ang ginawa ko. Parang pakiramdam ko, this time kaya ko nang mabihag ang kanyang puso. Kahit na long distance na ligawan, pinatolan ko. wala naman kasing masama sa mga ganitong klase ng romansa. mas romantic nga eh, at mukhang magiging achievement ko pa ito kung mapapasagot ko siya.


Ilang linggo rin ang tinagal nun, text ako nagtext. Mga bati sa umaga at sa pagtulog niya, nasiyahan din naman ang puso ko nang tumawag siya sa akin. para akong lumutang sa cloud 9. Parang lumipad akong bigla sa mga ulap ng marinig ang mala anghel niyang boses at binigyan ng pag-asa ang mus-mus kong puso.

Isang araw, isang kaibigan ang nagbigay ng linaw sa isip ko. Ang babaeng pangarap ko, ay panagrap na natupad na pala ng iba. Bigala akong lumagapak mula sa cloud 9, bumagsak sa aking pagkakalipad.

Bigla akong napatingin sa salamin at ginawang one sided ang aking buhok, napapunta sa sulok at nagmokmok. di naman ako emo, pero bakit nag sesentitihan ako sa babaeng yun. Bakit ko pa siya iniisip kahit na makailang ulit na niya akong balewalain, heto akot si Mr. Gago, pilit na nakikisiksik sa puso niyang may laman na pala.

Ganito ba dapat manligaw? Sa susunod, di na ako paloloko, Kung ayaw niya sa puso ko, di ko ito ipipilit. marami pang gustong umangkin nito, marami pa akong makikilala. Sana sa susunod, di na nila ako gawing emo kung sasaktan nila ako.

iba kung magmahal ang Torpe!..mamahalin ka at aalagaan, pero ang torpe pag nagalit, nagiging emo, Masakit!

Saturday, October 3, 2009

Oi nagbabalik ako!

Oi, nandito na naman ako. Naaliw lang ako sa pagbabasa ng mga blog ng mga kapatid nating blogero. Nakaka-aliw talagang basahin ang mga blog nila. Sa pagbabasa mo marami ka talangang matutunan. May mga topic kasing nakakatuwang basahin. Marami sa mga kasamahan nating mga bloggers kasi ang likas na magagaling. Ano ba naman ang panama ko sa kanila. Ang iba kasi diyan ay yung tipong ipinanganak na may laptop sa tiyan. Kaya ayun blog lang ng blog. Parang magkakalagnat kung hindi mag boblog.

Maraming istilo kasi sila sa pagsusulat. Ang iba may senti-sentihan. Nag iba naman ginagawang diary ang Blogsphere, meron naman diyan na pagpapatawa ang istayl, at blog na wala lang, pero may angas. gaya ng blog ko. Walang ka dating dating. wala naman kasing mga importanteng nakasulat dito. Parang blog lang siya ng isang frustrated writer. Nakaka-awa. Pero kahit na ganito lang to, eh pilit pa rin akong nagsusulat dito. Parausan na lang kasi itong blog na ito ng mag bagay bagay. efective naman siya kahit papano.

Nitong mga nakaraang araw kasi, para akong stress. Stress ako sa lahat. ewan ko ba kung bakit ako na stress. siguro dahil, trip lang ng katwan kung ma stress. Para rin kasing bagyong ondoy tong si brain eh. Siguro dahil din sa marami akong iniisip. Isa na diyan ang lablayp ko. mag 20 na ako sa december, gift ko ha, pero wala pa rin akong girlfriend hanggang ngayon. Anu ba kasi ang problema sa akin. Di naman ako pangit. yung ibang pangit nga diyan, kahit na di magawang mag hilamos at umayos ng sarili ay siya namang nakakbingwit ng mga magagandang dilag. Bakit kaming mga pinanaganak na gwapo ay di makahanap ng kahit isang binibini na magmamahal sa amin. Yun na nga lang ang hinihiling ko kay bro' sa pasko eh. Kahit di na niya ibigay ang iphone na hinihiling ko mabigyan niya lang ako ng girlfriend eh solve na ang bagong taon ko. Ayoko ko nmana kasing maging binata habang buhay. Pwede na kasi yung di kagandahan basta mayaman. Ok na yun. siguro pag mayaman siya yayaman na rin ako, at makakahanap na rin ako ng magandang asawa. Pero kung walang ganoon, kahit sino na lang basta mahal ako.

siya sige na, salamat sa pagdaan niyo sa blog ko. daan kau ulit at daan din ako sa inyo para daanan tayo. Sana naman sa susunod na dalaw niyo eh mag comment naman kayo para di na maging amagin ang blog ko.