Di naman ako emo, pero bakit ako gumaganito ngayon. Bakit ba kahit ilang ulit niya na akong itaboy, Itakwil, awayin at bastedin. Heto pa rin ako at pilit na ginigiit ang sarili ko, including ang pinaka mahal kong puso para sa kanya. Siguro umaasa pa rin ako, na sana, isang araw, ma touch ang puso niya at mahalin niya rin ako.Pero heto, sa ika Nth na pagkakataon. Muli na naman akong sinaktan ng babaeng yun.
Niligawan ko siya ulit. Seryoso na seryoso ako. Parang kinarir na talaga ang ginawa ko. Parang pakiramdam ko, this time kaya ko nang mabihag ang kanyang puso. Kahit na long distance na ligawan, pinatolan ko. wala naman kasing masama sa mga ganitong klase ng romansa. mas romantic nga eh, at mukhang magiging achievement ko pa ito kung mapapasagot ko siya.
Ilang linggo rin ang tinagal nun, text ako nagtext. Mga bati sa umaga at sa pagtulog niya, nasiyahan din naman ang puso ko nang tumawag siya sa akin. para akong lumutang sa cloud 9. Parang lumipad akong bigla sa mga ulap ng marinig ang mala anghel niyang boses at binigyan ng pag-asa ang mus-mus kong puso.
Isang araw, isang kaibigan ang nagbigay ng linaw sa isip ko. Ang babaeng pangarap ko, ay panagrap na natupad na pala ng iba. Bigala akong lumagapak mula sa cloud 9, bumagsak sa aking pagkakalipad.
Bigla akong napatingin sa salamin at ginawang one sided ang aking buhok, napapunta sa sulok at nagmokmok. di naman ako emo, pero bakit nag sesentitihan ako sa babaeng yun. Bakit ko pa siya iniisip kahit na makailang ulit na niya akong balewalain, heto akot si Mr. Gago, pilit na nakikisiksik sa puso niyang may laman na pala.
Ganito ba dapat manligaw? Sa susunod, di na ako paloloko, Kung ayaw niya sa puso ko, di ko ito ipipilit. marami pang gustong umangkin nito, marami pa akong makikilala. Sana sa susunod, di na nila ako gawing emo kung sasaktan nila ako.
iba kung magmahal ang Torpe!..mamahalin ka at aalagaan, pero ang torpe pag nagalit, nagiging emo, Masakit!
Components of the Internet
5 years ago
0 comments:
Post a Comment