Monday, October 5, 2009

Blogging

Heto na naman ako sa pang apat na entry ko ngayong gabi. Sa ika apat na entry na ito, hindi ko pa rin lubos maisip kung anu ba talaga ang nais kong isulat. Bakit ba ako nagsususlat sa blogsperong ito. Bakit palagi na lang akong problemado sa tuwing di ko alam ang mga isususlat ko sa blog ko.


Sa isang post ng kapatid natin dito sa blogsphere. ISang kataga ang labis na pumukaw sa damdamin ko bilang blogero, "Magsulat ka. Hindi dahil gusto mo kundi nabubuhay ka. Huwag mong intindihin kung sino o kung may magbabasa. Ilabas mo ang opinyon mo sa mundo. Maki-alam ka. Huwag mong iisipin na hindi ka biniyayaan ng talento sa pagsusulat"


Tama siya, dapat bawat sa atin ay magsulat dahil lahat tayo ay binigyan ng talento na magsulat. Huwag ikahiya ang mga entry natin, bawat entry ay mahalaga sa bawat isa sa atin. Huwag isispin ang mga reaksyon ng mga tao, Ang importante ay naipalabas mo ang damdamin mo. Huwag matakt magsulat. Lahat tayo ay nabigyan ng talento sa pagsususlat, may kani-kaniyang stayl tayong ginagamit. Kahit na none sense itong post na ito, ok lang nakadagdag naman ito sa blog ko.

0 comments:

Post a Comment